MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang isang 92-anyos na lola sa aktong nagsasagawa ng pag-aborsyon sa isang buntis na babae kamakalawa sa Caloocan City.
Ang suspek ay kinilalang si Catalina Jose “alyas Aling Taliâ€, ng Phase 2, Bagong Silang ng natuÂrang lungsod.
Ginagamot naman sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang dalagang nagpapalaglag dahil sa dami ng dugong nawala na si Joan Bertiz, 22, ng Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay may dalang warrant of arrest ang mga pulis upang dakpin ang suspek sa tinitirhan nito.
Dito ay naaktuhan ng mga pulis na may nakahigang babae at nagsasagawa ng abortion ang suspek.
Inamin ng dalaga na ipinalaglag niya ang 5 buwan fetus sa kanyang sinapupunan sa halagang P4,000 na naging dahilan upang agad na dalhin sa nasabing ospital.
Napag-alaman na ilang beses nang nadakip si Jose, subalit matapos makapag-piyansa ay nagpapatuloy sa illegal na gawain nito.