MANILA, Philippines - Ngayong araw na ito ay darating na sa bansa matapos ang may 13 taong pagdurusa sa kulungan ang overseas Filipino worker (OFW) na si RogeÂlio “Dondon†Lanuza na nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa isang Saudi national noong 2000.
Nabatid na inaasahang lalapag ngayong hapon sa Ninoy Aquino InÂternatioÂnal Airport mula Dammam ang eroplano ni Lanuza.
Nagpasalamat si Vice President Jojo Binay sa pamahalaang Saudi AraÂbia lalo na kay King Abdullah dahil sa malaÂking tulong na ibinigay kay Lanuza matapos na akuin ang kakulangang 2.3 milyon Saudi riyal na blood money mula sa kabuuang 3 milyon SAR o mahigit P32 milyon upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness sa pamilya ng Saudi national na kanyang napatay.
Magugunita na si LaÂnuza ay hinatulan ng bitay ng mataas na korte ng Saudi noong 2001 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national na nagtangka umano siyang gahasain.