MANILA, Philippines -Siniguradong hindi na mabubuhay pa ang isang 13-anyos na binatilyo na dalawang ulit na sinagaÂsaan ng hindi pa kilalang driver na naganap kahapon ng madaÂling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Joel Realista, ng 545 Earnshaw St., SampaÂloc, Maynila.
Hindi pa kilala ang suspek na ang sasakyan ay may plakang WMM 990.
Sa ulat, dakong alas-2:25 ng madaling araw nang sa Earnshaw St. kanto ng Galicia St., SamÂpaloc, Maynila nang maÂaksidenteng mabangga ang biktima habang ito ay naglalakad ng sasakyan ng suspek na patungong norte.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima ng ilang metro saka bumagsak sa semenÂto.
Tumigil ang driver ng sasakyan, subalit sa halip na tulungan ay muli nitong pinaandar ang sasakyan at sinagasaan muli ang biktima.
Isang concerned ciÂtizen ang nakakita ng plaka ng suspek at tumulong para dalhin sa ospital ang biktima, subalit namatay din ito.