MANILA, Philippines - Matagumpay na nasagip ng mga otoridad ang isang 73-anyos na may-ari ng drug store sa kamay ng kanyang mga kidnaper na kung saan ay napatay ang isa habang nadakip ang tatlo sa isang rescue opeÂration sa Midsayap, North Cotabato, kamakalawa.
Kinilala ang nasagip na negosyante na si ManoÂlita Cedeño, may-ari ng Royal Drug Store na mataÂtagÂpuan sa kahabaan ng Rizal St., Midsayap.
Ang napatay na kidnaÂper ay kinilalang si Jelon Pasandalan ng Brgy. Pulon, Pikit. Habang nadakip ang tatlong kasama nito na sina Mohammad Pagayao, trisikad driver ng Cotabato City; Digo Bangcal ng Pikit, North Cotabato at Adam Sansaluna.
Batay sa ulat ni North CoÂtabato Police Director P/Sr. Supt. Danilo Peralta, dakong alas-6:00 ng gabi ay lulan ang negosyante ng kanilang pick-up na behikulo na minamaneho ng driver na si Allan Ceballos kasama ang isang salesÂlady pauwi na sa kanilang bahay matapos magsara ng drug store.
Pagbaba ng driver upang buksan ang gate ay suÂmulpot ang apat na armadong kalaÂlakihan at pinukpuk sa ulo ng cal. 45 pistol ng isa sa mga kidnapper ang ulo ng driver saka tinangay ang matanda.
Nag-report naman ang ilang residente kay PO3 Ulysses Coronado ng Traffic Section ng Midsayap Police sa komosyon sa loob ng behikulo na naipit sa trapiko at paghingi ng saklolo ng matandang lulan nito.
Nagresponde si Coronado na akmang sisitahin ang behikulo nang magsibaba ang nagpanik na mga kidnapper at dito na nagkaroon ng shootout at napatay ang isa sa mga suspek habang nasakote naman ang papatakas na dalawa at ang ikatlo ay sa follow-up operations.