Enrile, Jinggoy, Bong, Napoles atbp. kinasuhan ng plunder

Buhat-buhat ng mga trabahador ang mga dokumento ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsasampa kahapon ng kasong plunder sa laban sa 38 indibiwal kabilang sina Senators Enrile, Revilla at Estrada. – Edd Gumban

MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang kasong plunder at malversation laban sa 38 indibidwal kabilang sina Janet Lim Napoles, at mambabatas tulad nina Senators Juan Ponce En­rile, Ramon Bong R­e­villa at Jinggoy Estrada na may kaugnayan sa P10 billion pork barrel scam.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima bukod kina Enrile, Revila at  Estrada, ay kinasuhan din ng plunder ang dating mga solon na sina Rizalina Seachon Lanete at  Edgard Valdes na isinampa ng  National Bureau of In­vestigation at Atty. Levito Baligod dahilan sa mahigit anya sa P50 milyon ang nakuhang komisyon ng naturang mga mambabatas sa pakikipagsabwatan kay Napoles para magamit ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel gamit ang limang NGOs ni Napoles.

Tatlong dating cong­ressmen-Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur, Samuel Dangwa ng Benguet at  Constantino Jaraula ng Cagayan de Oro ay kinasu­han ng malversation direct to bribery and violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Walong chiefs-of-staff (COS) ng  8 mambabatas ay kinasuhan din ng plunder sa  Office of the Ombudsman.

Ito ay sina Jessica “Gigi” Reyes, chief of staff ni Enrile; Richard Cambe, COS ni Revilla; Ruby Tuazon, aide ni Enrile at Estrada; Pau­line Labayen, staff ni Estrada; Jose Sumalpong, COS ni Lanete; Janet dela Cruz, district staff ni Lanete, Erwin Dangwa, COS ni  Dangwa; at Carlos Lozada, staff ni  Dangwa.

Limang pinuno ng im­plementing agencies ay inirekomenda rin kasuhan ng plunder, malversation at graft and corrupt prac­tices act violations na ki­nilalang sina Alan Ja­vel­lana, ex-president ng Nabcor; Con­delina Ama­ta, president ng NLDC; Antonio Ortiz, da­ting director general ng TRC, Dennis Cunanan, former deputy director general ng TRC; Salvador Salacup, dating presidente ng ZREC na ngayon ay un­dersecretary of Depart­ment of Agriculture.

Ang 6 din na pinuno ng Napoles-linked NGOs ay kinasuhan din ng plunder o  malversation.

Ang ikalawang batch naman na ihahain sa Ombudsman ay hinggil sa maling paggamit P900-milyon Malampaya Fund kung saan sangkot din si Napoles.

 

Show comments