Mister sinumpak, patay

MANILA, Philippines - Isang mister ang nasawi makaraang barilin ng sumpak ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Genesis Martinez, 25, may-asawa, tubong Kalibo, Aklan, at residente ng #92 Mayor St., Brgy. Payatas, sa naturang lungsod.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may hawak sa kaso, naganap ang insi­dente dakong alas-2:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Kampo Berde St., Brgy. Payatas, sa natu­rang lungsod.

Sinasabing naglalakad na pauwi ang biktima sa kanilang tahanan ng big­lang sumulpot ang suspek at binaril ng sumpak ang mister.

Matapos ang krimen ay agad tumakbo ang suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Sa ngayon ay nagsa­sa­gawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

Show comments