Konsehal na nagsa-sideline sa pagbebenta ng shabu, tiklo

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang  buy-bust operation sa Davao del Norte ang isang municipal councilor na umeekstra sa pagbebenta ng shabu.

Ang suspek ay kinilalang si Romulo Esmino Jr., 36, konsehal ng bayan ng Dujali, Davao del Norte, at residente ng ng  Purok 6, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Nahuli sa suspek ang isang shabu sachet na ibenebenta sa  lsang poseur buyer ng PDEA.

Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at maaari pang matanggal sa puwesto.

Show comments