20 bahay naabo sa sunog

MANILA, Philippines - Halos kalahating oras lang ang ginawang pananalasa ng sunog na kung saan ay nasa 20 bahay ang naabo sa naganap kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-10:18 nang sumiklab ang sunog na umabot sa ika-5 alarma at  naideklarang fire-out alas-10:42 ng umaga, sa Firmeza Ext., Ba­lic-Balic, Sampaloc, May­nila.

Sa kasagsagan ng sunog, nasugatan sa kamay ang isang layas “Buboy”, 37 at sa tindi ng tensiyon ay hinimatay ang 86-anyos na si Bella Marasigan.

Pawang yari sa light materials ang mga naapektuhang kabahayan na inaalam pa kung paano nagsi­mula ang sunog.

Show comments