MANILA, Philippines -Halos isang buwan matapos ang pagbubukas ng 16th Congress ay nakumpleto na ang mga magiging miyembro ng House of Representatives Electoral TriÂbuÂnal o HRET.
Ang mga miyembro ng HRET mula sa House of Representatives ay sina Davao del Sur Rep. Franklin Bautista, Bulacan Rep. Joselito Mendoza, Quezon Rep. Mark Enverga, Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan, Iloilo Rep. Jerry Trenas at Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan.
Ang mga miyembro naman ng HRET mula sa Korte Suprema ay sina Justices Presbitero Velasco, tumataÂyong chairman; Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.
Kaya umapela si Marinduque Rep. Regina Reyes kay Velasco na mag-inhibit sa paghawak sa kaniyang electoral case dahil siya ang ama ni Lord Allan Velasco na nakatunggali nito congressional race sa Marinduque.
Inaasahan ni Reyes na sa HRET na mabibigyan na siya ng pagkakataon na ihain ang kanyang mga ebidensiyang nagpapatunay na siya ay isang Filipino citizen at nairenunsyo niya ang anumang foreign citizenship na nakuha niya nung siya ay nasa Amerika pa.