MANILA, Philippines - Brutal na pinatay ang isang 37-anÂyos na bading na guro ng siya ay saksakin ng 29 ulit ng kanyang 18-anyos na lover na nagalit dahil sa ginawang pag-abandona ng una naganap sa Brgy. Ilaures, Bugasong, Antique.
Ang nasawi ay kinilalang si John Pagunsan, guro sa Antique National High School na matatagpuan sa bayan ng San Jose ng lalawigan.
Agad nadakip sa follow-up operation ang suspek na kinilalang si Rodney Roquero, isang out of school youth na umano’y nobyo ng biktima, subalit inabandona matapos na umano’y may ibang mapusuan ang biktima.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa bisinidad ng Brgy. Llanes, Bugasong na tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sinabi ng pulisya, ang suspek ay natukoy na siyang nasa likod ng krimen dahilan ito ang huling kasama ng biktima bago maganap ang krimen noong Setyembre 4 ng hapon at bukod dito ay may nakakita na nagÂlalaba ito ng duguang t-shirt sa ilog.
Inamin ni Roquero ang krimen at sinabing nagawa niya ito sa maÂtinding galit sa biktima dahil hindi na siya nito sinusustentuhan na umaÂno’y may iba ng naiibiÂgang lalaki.