MANILA, Philippines - Tinamaan ng kidlat ang dalawa katao sa magkakahiwalay na insidente sa Toledo City, Cebu nitong Miyerkules ng hapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marite Lavajo, 30, at ang security guard na si Victoriano Macagay, 24; parehong taga Toledo City.
Batay sa ulat, bandang alas-1:30 ng hapon nang magkakasunod na nasawi ang mga biktima nang taÂmaan ang mga ito ng kidlat sa magkalapit na Brgy. Magdugo at Brgy. Biga; pawang sa nasabing lungsod.
Nabatid na kasalukuÂyang naglalaba si Lavajo sa Sitio Bawod, Brgy. MagduÂgo nang tamaan ito ng kidlat sa gitna ng pagbuhos ng ulan sa kanilang lugar.
Ang ginang ay dead on the spot sa tindi ng tinamong sunog sa katawan parÂÂtikular na sa bahagi ng kaniyang leeg .
Kasalukuyan namang nakaupo sa harapan ng kaÂnilang bahay si Macagay nang biglang kumulog at kasunod nito ay pagtama ng kidlat sa kanya.