MANILA, Philippines - Kapwa patay ang daÂlawang lalaking lasing matapos na magduwelo gamit ang baril at patalim kamakalawa ng gabi sa Brgy. Niog 2 Bacoor City, Cavite.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Mario SuÂmilang, 57, may-asawa, negosyante at Mark Sulaum, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Little Parañaque, Brgy Niog 2 ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay kapwa lasing ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magkapikunan.
Mabilis na sinugod ni Sulaum na armado ng patalim si Sumilang at inunÂdayan mga saksak kahit may tama ang huli ay binunot nito ang dalang baril at pinagbabaril naman nito ang una.
Narekober ng pulisya ang 6 na basyo ng cal 9mm at ang patalim na ginamit.