MANILA, Philippines - Tumaas umano ang blood pressure ng negosÂyanteng si Janet Lim-Napoles, ang utak sa P10 bilyong pork barrel scam matapos na dumanas ng ‘anxiety attack’ sanhi ng ‘claustrophobic disorÂder’ sa loob ng kanyang deÂtention facility sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna kahapon.
Iniulat ni PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, na tumaas ang blood pressure ni Napoles sa 180/150 at bumaba rin ang ‘sugar’ nito sa 40 mg/dl dakong alas-3:00 ng madaling-araw kahapon sanhi ng nasabing ‘anxiety attack’ sa taglay nitong karamdaman.
Ang claustrophobic disorder ay sanhi ng maÂtinding takot na mapag-isa, takot na walang maÂdaanan para makatakas sa ‘isolaÂted area’ tulad ng pagÂkaÂkakulong, takot na maÂÂbilad sa kahihiyan sa publiko at pagiging bantay sarado.
Sinabi naman ni Sindac na dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay nasa normal na ang blood pressure nito sa 120/90 at ang sugar level sa 112mg/dl.
Inihayag pa ni Sindac na lima ang naging bisita ni Napoles kabilang ang kaniyang mga anak na sina James, Christian at Christine at mga abogadong sina Bettina Zamora at Deanna Singian mula linggo dakong alas-6:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi nitong linggo matapos itong ilipat ng kulungan mula sa Makati City Jail sa Fort Sto. Domingo.
Umaasa naman si Sindac na hindi gagamitin ng kampo ni Napoles ang pabago-bagong lagay ng kalusugan nito para igiit ang hospital arrest na nauna ng sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hindi kailangan.