MANILA, Philippines -Nabunyag ang tangkang pagpatay kay Olongapo City Mayor Jeffrey KhongÂhun nang makonsiyensiya at magsuplong sa pulisya ang dapat sana’y killer nito na si Rommel Ave, 33 ng Avocado St., Sta. Rita, Olongapo City.
Ayon sa salaysay ni Ave, kinontak siya ng isang nagÂngangalang “Bertâ€, may-ari ng isang mamihan sa Olongapo, dahil mayroon itong kliyente na naghahanap ng hired killer.
Noong umaga ng Ika-20 ng Agosto, ipinakilala ni Bert si Ave bilang isang tirador o hired killer sa isang nagngangalang Gregorio Gutierrez.
Sakay ng puting Suzuki Sedan na may plakang TBO 619, napagkasunduan ang halagang P100,000 kung mapapatay ang mayor.
Sa loob din ng kotse pinlano ang gagawing pagmamanman kay Khonghun bago ang pagpaslang.
Gayunman, sa halip na magmanman ay isiniwalat ni Ave sa bodyguard ni Khonghun ang tangkang pagpatay sa mayor, ngunit hindi umano pinaniniwalaan kaya’t nagpasya ito na humingi ng tulong sa pulisya kung saan ay agad na binuo ang planong pagÂhuli kay Gutierrez at mga kasamahan nito.
Muling nakipagkita si Ave kay Gutierrez sa Olongapo kasama ang dalawang pulis na ipinakilala niyang mga “kasamahan,†para humingi ng perang panggastos.
Ang tatlo ay inihatid ni Gutierrez sa Subic at habang nasa kotse ay ibinigay ang gagamiting kalibre .45 baril at mga bala, subalit pagbaba ni Ave sa kotse para kunwari ay kunin ang motorsiklong gagamitin ay doon na nagpakilala ang dalawang kasama ni Ave na na mga pulis at inaresto si Gutierrez.
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad upang maaresto si Bert, ngunit nakatakas na ito.