4 utas sa salpukan ng bus at van

MANILA, Philippines -Apat katao ang na­matay matapos ang sinasakyan nilang van ay sinalpok ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa kahabaan ng Davao-Agusan national highway, KM27, Brgy. Lasang, Davao City.

Nasawi noon din ang biktimang si Anacleto Pedrosa Jr., 72, driver ng Toyota Liteace van (PLT 632). Habang hindi na umabot ng buhay sa Rivera Hospital sa Panabo City ang mga sakay ng van  na sina Miriam Flores, Maritess Adtoon at isang hindi pa nakila­lang dalagita.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:45 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang  van na minamaneho ni Pedrosa nang masalpok nito ang  kasalubong na Bachelor Bus (LVY-853) na minamaneho ni Restituto Crodua Jr.

Lumalabas sa imbestigasyon na inagaw umano ng bus ang kabilang linya sa highway na eksakto namang paparating ang van na tuluy-tuloy nitong sinalpok.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to 4 counts of multiple homicide at damage to property. 

 

Show comments