Cafgu vs bandido, 3 dedo

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geophysical Unit (CAFGU) at dalawang sinasabing bandido ang nasawi sa isinagawang ‘hot pursuit operation’ ng mga awtoridad sa Sitio Aliong, Brgy. Kimlawis, Kiblawan, Davao Del Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Caraga Regional Police Office, nabatid na ang nasawing CAFGU ay nakilalang si Romeo S. Marila na nagtamo ng tama ng bala sa ulo nang lusubin ng mga bandido ang kanilang detachment.

Ang dalawa namang bandido na napatay din sa ‘bakbakan’ ay nabatid lamang sa mga alyas na ‘Anting Peyay at Victor’.

Ayon kay Norman Flores, Commander ng 100 2nd Brigade, ginawa lamang ng kanilang tropa ang naayon sa batas matapos na mapatay ng mga suspek ang kanilang tauhan.

Sinabi ni Flores, hinabol at tunugis nila ang mga bandido matapos mapatay si Marila at nang magkaroon ng engkuwentro ay napatay nila ang dalawang suspek at nabawi nila ang dalawang M-14 na baril.

“That detachment has been subject for harassment since January and we cannot afford to do nothing in order to pre-empt such criminal activities that would eventually affect the peace and development in the communities.” sabi ni Flores.

 

Show comments