Bagong silang na sanggol iniwan

MANILA, Philippines - Marahil hindi kayang buhayin at hindi magampanan ang pagiging ina kung kaya’t nagawa nito na iwan ang kanyang ba­gong silang na anak na babae sa Sports Complex ng Butuan City, Agusan del Norte kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng habal-habal driver na si Jason Adelantar ang sanggol na balot pa ng dugo, nakakabit pa ang pusod sa tiyan sa semento sa bakanteng lote ng Butuan City Sports Complex sa Brgy. Libertad.

Nakita ng ilang resi­dente sa lugar ang isang babaeng nakitang tumatalilis sa lugar na pina­niniwalaang ina ng sanggol bagaman hindi nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito.

Agad namang dinala ng driver sa pagamutan ang bata para ma­tingnan ng mga doktor dito.

Ang sanggol ay nakatakdang i-turnover sa Butuan City Social Welfare and Development upang matiyak na mapangangalagaan ito ng maayos.

Show comments