Salvage victim ikinahon, itinapon

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na matindi ang galit ng hindi pa kilalang mga suspek sa isang lalaki na matapos nilang patayin ay isinilid nila ito sa trash bag at inilagay sa kahon bago itinapon sa ilalim ng puno ng Acacia ang natagpuan kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa 45-55 anyos, may taas na 5’2”-5’3”, payat, kayumanggi, kalbo, nakasuot ng itim na long sleeveshirt, short na checkered sa kumbinasyong asul, pula at puti.

Ang biktima ay nagtamo ng tatlong saksak sa dibdib, nakagapos ang mga kamay ng plastic straw, nakatali din ang mga paa ng kulay pulang sinturon at nababalot ang mukha ng packaging tape.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mapansin ng mga tricycle driver ang nasabing kahon sa ilalim ng puno, sa panulukan ng Sobriedad at Matimyas St., sa Sampaloc, Maynila na agad ipinaalam sa mga otoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa kaso at makilala ang biktima.

 

Show comments