MANILA, Philippines - Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang pagkakadiskubre sa naÂagÂnas ng bangkay ng isang Pinay worker sa loob ng isang malaking maleta na itinapon sa isang tambakan ng basura sa Nasr City noong Agosto 17 sa kasagsagan ng isinasagawang mandatory evacuaÂtion.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, na hindi na makilala ang Pinay dahil agnas na ito nang maÂtagÂpuan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Egyptian police authorities upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, ang sanhi ng pagkasawi nito at responsable sa krimen.