Patay na sanggol nalambat sa ilog

MANILA, Philippines -Nalambat ng isang ma­ngangalakal ng basura ang isang patay na sanggol sa Tullahan River sa Ma­labon City kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali isang hindi nagpabanggit na lalaking mangangalakal ay naghahanap ng basura sa nasabing ilog at nang lambatin ang bundok na mga basura ay nagulat ito nang makita na sanggol pala  at hindi manika ang kanyang nalambat.

Agad na ipinagbigay alam sa mga pulis at nang respondehan ay positibong bangkay ng isang sanggol na lalaki ang natagpuan.

Show comments