Tubig sa La Mesa Dam umapaw

MANILA, Philippines -Umapaw ang tubig sa La Mesa Dam dahil sa walang puknat na pag-ulan dulot ng bagyong Maring na sinamahan pa ng hanging habagat.

Ayon kay Eng. Teddy Angeles, manager ng La Mesa Dam, ganap na alas-12:00 ng tanghali kahapon ay umapaw ng 1 cm ang tubig gayung dapat ay nasa 80 cm lang ang tubig.

Pinapayuhan ang mga nakatira sa ibaba ng dam tulad ng Tullahan river na magsilikas sa mas ligtas na lugar sa posibleng baha na maaari pang tumaas ang tubig depende sa patuloy na pag-ulan na dala ng bagyo.

Show comments