Treasurer tumba sa tandem

MANILA, Philippine s- Dead-on-the-spot ang biktimang si Joseph Fernandez, 32-anyos, may asawa, treasurer ng AFAMCO Cooperative at residente ng Brgy. Cambodia, Isabela City matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng national highway, Brgy. Sengal, Lamitan City, Basilan kahapon.

Sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga  ang biktima ay lulan ng motorsiklong Honda Wave 125 na kulay asul ( JP 8878) galing Isabela City patungong Lamitan city nang sundan at pagbabarilin ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklong kasunod nito.

Pagtapat sa biktima ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.

Show comments