Ex-driver ng POLO sa ‘sex for flight scheme’ ipinapahanap

MANILA, Philippines - Isang dating driver at empleyado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia upang paharapin sa gina­gawang pagdinig ng Senado tungkol sa isyu ng nabun­yag na ‘sex-for-flight’ scheme.

Inatasan ni Senator Teofisto Guingona, chairman ng Blue Ribbon ang committee secretary na makipagtulungan sa National Bureau of Investi­gation para alamin ang ki­naroroonan ni Jojo Casicas upang magpaliwanag matapos akusahan nang tangkang panggagahasa sa isang domestic helper na nagpatulong sa POLO.

Si Casicas ang dating driver ni Philippine labor attaché to Saudi Arabia Adam Musa at naging empleyado ng POLO.

Matatandaan na sa unang pagdinig ay ibi­­nun­yag ni Grace Victoria Sales ang tangkang pang­­haha­lay sa kanya ni Casicas noong Marso 2012.

 

Show comments