August 21 special holiday

MANILA, Philippines - Idineklarang special non-working holiday ang Agosto 21 bilang paggunita ng buong bansa sa kamatayan ni Sen. Ninoy Aquino Jr., ang ama ng Pangulong Benigno ‘Nonoy’ Aquino III.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pinirmahan na ng Pangulo ang kautusan na nagdideklara ng  special non-working holiday ang darating na August 21 kung saan ay gugunitain ang ika-30 death anniversary ni Sen. Ninoy. Wika pa ni Sec. Lacierda, para sa mga mag-aaral na nais malaman ang tungkol sa kamatayan ni Sen. Ninoy Aquino ay mayroong inihanda ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) upang alalahanin ang mga sakripisyo ni Ninoy para sa bansa.

Aniya, bisitahin lamang ng mga estudyante ang www.malacañang.gov.ph para sa karagdagang kaalaman sa kasaysayan ni Ninoy.

Show comments