MANILA, Philippines -Namatay ang isang 60-taong gulang na lolo matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig baha bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan sa bayan ng Matanao, DaÂvao del Sur, kamakalawa hapon.
Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang biktima na si Erme Esperanza.
Ayon sa report, ganap na alas-4:30 ng hapon habang hila-hila ng matanda ang alaga nitong kalabaw ng biglang tumaas ang tubig baha at tangayin ito sa Purok Duranta, Bangkal Proper ng nasabing bayan.
Ang bangkay ng maÂtanda ay narekober maÂtapos ang ilang oras na paghahanap ng search and rescue team.
Iniulat din ng NDRRÂMC na ang pagbaha sa lugar ay ikinapinsala rin ng Borilon Bridge sa Brgy. Kabasagan habang nasa 1.56 namang hektarya ng mga puno ng niyog at 20 hektaryang sagingan ang napinsala ng masamang lagay ng panahon.