MANILA, Philippines -Sa mga susunod na linggo ay nakatakda nang sampahan ng Department of Justice ng kaso ang ilang mambabatas na sangkot sa 10-B pork barrel scam.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi muna isinawalat ang mga pangaÂlan ng mga mambabatas dahil sa hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kung saan nakadetalye ang partisipasyon ng mga ito.
Inamin naman ni De Lima na matagal ang isiÂnaÂsagawang imbestigasÂyon ng NBI dahil na rin sa hinihimay pa ng mga imÂbestigador ang mga ebidensya upang maging maÂlinaw kung paano nakapagpalabas ng malaÂking pondo mula sa Priority DeÂvelopment Assistance Fund (PDAF) ng mga mamÂbaÂbatas patungo naman sa mga non-existent projects ng pekeng non-governmental organizations.
Nilinaw naman nito na walang partisan sa imÂbestigasyon ng NBI kung saan naging malinaw umano ang direktiba ni PaÂngulong Noynoy Aquino na kapartido man o hindi basta sangkot sa scam ay dapat na mapanagot.