MANILA, Philippines -Pinaulanan nang bala ng hindi pa mga kilaÂlang susÂpek ang mga bikÂtima habang ang mga ito ay kumakain sa restoran na ikinasawi ng tatlo kabilang ang isang pulis habang nakatakas naman ang target na opisÂyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na naganap kahaÂpon sa isang restaurant sa Gapan City, Nueva Ecija.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Rufino Vendivel, 44, driÂver; King Jasper Juvinal, estudÂyante ng Midway Maritime Academy at PO2 Jefferson Lim, nakatalaga sa Provincial Public Safety Company ng Nueva Ecija Provincial Police Office na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Nasa kritikal na kalaÂgayan sina Consuelo Manse, 86 at Rodney Garcia, 16-anyos, estudyante.
Batay sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa loob ng Sizzling Restaurant sa kahabaan ng Brgy. San Lorenzo, Gapan City ng laÂlawigan.
Nabatid na kasalukuÂyang kumakain ang mga biktima nang biglang dumating ang limang kalaÂlakihan na lulan ng Toyota Hi Lux na kulay beige na may improvised na plakang TT 1506 at armado ng M16 rifle, cal 45 pistol at M14 rifles.
Agad na pinaulanan ng bala ang mga biktiÂma, subalit nagawang maÂkaÂtakbo ang VACC opisÂyal na si Elmer SomeÂra.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek at narekober ng mga otoÂridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng naturang mga armas habang natagpuan na rin ang getaway vehicle ng mga suspek sa follow-up opeÂration sa Brgy. Malapit, San Isidro ng nasabing lalawigan.