MANILA, Philippines - Mag-inhibit sa paghawak sa electoral protest si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco dahil ang anak nito ang nasasangkot at nasa House of RepÂresentatives Electoral Tribunal o HRET na ang kaso.
Ito ang apela ni Marinduque Rep. Gina Reyes kay Velasco na tumatayong chairman ng HRET at ama ng nakatunggali nito sa katatapos na May 13 elections na si dating Rep. Marinduque Lord Allan Velasco.
Pinangangambahan ni Reyes, na hindi maging patas si Justice Velasco sa paghawak sa kaso lalo na’t anak nito ang nasasangkot sa usapin.
Kaya’t umaasa ang mambabatas sa 6 na magiging kinatawan ng Kamara sa HRET upang makakuha ng patas na pagtrato sa kaso.
Magugunita na nag-ugat ang kaso matapos maghain ng disqualification case ang isang Joseph Socorro Tan laban kay Reyes dahil sa umano’y pagiging isang American citizen, na mariin naman nitong itinanggi at nagpapatunay ang hawak niyang lahat ng ebidensiya na nagpapatunay na siya ay isang natural born citizen, na ang mga magulang niya ay parehong Filipino at nirenunsiyo niya ang kanyang foreign citizenship nung Sept. 21, 2012.