MANILA, Philippines - Dahil sa paghihinala na may ibang babae ang mister kung kaya’t pinutol ni misis ang ari nito habang mahimbing na natutulog sa isang motel kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang biktima na nakaratay ngayon sa Pasay City General Hospital ay nakilalang si Rodolfo Del Rosario, 51-anyos, negosÂyante, at residente ng no. 1259 Bambang,Tondo, Maynila. Habang ang misis nito ay nakilalang si Radina, 34-anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang pamumutol ay nag-check-in dakong alas-11:30 ng gabi ang mag-asawa sa Room 3 ng Galaxy Lodge na matatagpuan sa 2245 Taft Avenue, Pasay.
Sa salasay ng saksing si Nestor Daganato, roomboy, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang lumabas sa kuwarto si Radina kasunod ang nagsisigaw at hubo’t hubad na mister na tinatakpan ng duguang bedsheet ang ari at humingi ng saklolo para maisugod sa pagamutan.
Sa halip na tulungan ang biktima, sinundan umano ni Daganato ang misis na sumakay agad ng taxi at nang balikan ang biktima ay wala na ito at napag-alamang isinugod ang sarili sa ospital.
Nabatid na lasing ang mister nang makatalo nito ang misis dahil sa akusasyon nito na siya ay nambababae na itinanggi naman nito.
Nang makatulog dahil sa kalasingan ang mister ay dito na sinamantala ng babae na puÂtulin ang ari nito.
Ayon sa mga doktor na wala ng pag-asa na maibabalik pa ang naputol na ari ng lalaki dahil sa nawawala na ang parte na pinutol na umano ay nilinis ng mga roomboy at may iba nang naka-check-in nang dumating ang mga pulis para sana sa gagawing pagsisiyasat.