Bago nagpakamatay... Lola kinatay ni lolo

MANILA, Philippine s- Pinagtataga muna ang kanyang misis na bulag, bago sinunod ng isang mister na saksakin ang sarili hanggang sa kapwa sila masawi na naganap sa Barangay Maygatasan, Bayugan City, Agusan del Sur, kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Supt. Martin Gamba, Regional Pub­lic Information Officer, nakilala ang mag-asawang nasa­wi na sina Lolo Fermin Enoy Hayon, 72, at asawa nitong si Lola Editha Salamanes Hayon, 70; pawang mga residente sa Purok-8, Brgy. Maygatasan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Nangyari ang insidente ganap na ala-1:40 ng hapon sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, natutulog umano si Lola Editha nang dumating ang mister na nasa impluwensya ng alak.

Ilang sandali, nang makita ni mister ang asawa ay bigla na lamang niya itong pinagtataga ng jungle bolo sa iba’t ibang parte ng katawan na agad na ikimatay ng huli.

Matapos na pagtatagain ang asawa at makitang patay na ito, nagsaksak naman sa kanyang sarili ang suspek gamit din ang jungle bolo.

Ang insidente ay nasaksihan umano ng kanilang 10 taong gulang na apo.

Show comments