MANILA, Philippines - Ang pagtirik ng miÂnamaneho nitong trailer truck sa gitna ng kalsada ang naging dahilan ng kamatayan ng isang driver matapos na siya ay barilin ng isang nairitang motorista dahil sa umano’y nagresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima na namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Charlie Gorope, 42, ng Gaya-gaÂya, San Jose Del Monte, Bulacan.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang driÂver ng Mitsubishi AdvenÂture na may plakang TEI-531 na tumakas at iniwan nito ang nasabing sasakÂyan.
Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Phase 12 Construction Supply, ID Road, Tala ng naturang lungÂsod.
Nabatid na nagmamaÂniobra ang biktima sa miÂnamaneho nitong trailer truck upang makapasok sa gate ng naturang establisimiyento, subalit puÂmalya ang makina dahilan upang tumirik at humambalang sa kalsada na naÂging sanhi nang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Dito ay bumaba ang nairitang suspek sa kanyang sasakyan na nakasunod sa trailer truck ng biktima.
Walang sabi-sabing binaril ng suspek ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan at dahil hindi rin makakaalis dahil sa trapik ang sasakyan ay iniwan na lamang niya ito.