Sekyu binoga ang sariling ulo

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nagbaril sa sariling ulo habang ito ay naka-duty sa guard haouse ng La Joya Subdivision, Brgy. Buhay Na Tubig, Imus City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Edmon Salcedo, 39-anyos, binata residente ng Creek aide Gov. Santos, BF Homes Parañaque City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:10 ng madaling-araw habang naka-duty sa guard house ang biktima ay bigla na lamang umano nitong itinutok sa kanyang ulo ang service fire arm na cal 38 revolver at ipinutok.

Patuloy ang imbestigasyon  ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.

Show comments