8 patay sa Basilan encounter

MANILA, Philippines - Nagkaroon nang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon sa Basilan na kung saan ay nasawi ang isang mi­yembro ng Army Scout Ranger at pitong miyembro ng ASG.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang magsagawa ng hot pursuit operations ang tropa ng mga sundalo laban sa mga bandido ng mang­ya­ri ang bakbakan.

Bago ang engkuwentro ay inatake ng mga bandido ang Balingkitan detachment sa bayan ng Al Barkha kaya’t agad nagsagawa ng security operations ang pinagsa­nib na elemento ng Light Reac­tion Company (LRC) at ng Naval Special Ope­rations Unit, 3rd Special Reaction Battalion at 18th Infantry Battalion at ang bakbakan ay tumagal ng hanggang alas-10:00 ng umaga hanggang sa magsiatras ang mga bandido.

 

Show comments