MANILA, Philippines - Ipinaaresto ng isang mister sa mga otoridad ang kanyang misis at kalaguyo nito matapos niyang malitratuhan habang nagtatalik ang mga ito kamakalawa ng gabi sa bahay ng lalaki sa Jala-Jala, Rizal.
Ang mga dinakip ay nakilalang sina alyas ‘Zeny’, 37, at Rommel Calumpang, 38, binata, elecÂtronic technician at kapwa residente ng Barangay Bayugo, ng nasabing bayan matapos na ireklamo ng mister ni Zeny na si Jonathan Patambang, 36, security guard, at residente rin ng nasabing lugar.
Base sa ulat na natangÂgap ni P/Senior Insp. Leo Gabrang, hepe ng Jala-Jala PNP, bago nahuli ni Jonathan ang magkalaguyo dakong alas-10:00 ng gabi na nagtatalik ay may nakapagsabi sa kanya na nagpunta ang misis nito sa isang birthday party hanggang sa ginabi at nagtungo sa bahay ni Calumpang.
Kaagad namang humiÂngi ng tulong sa pulisya si Patambang at pinuntahan ang bahay ni Calumpang kung saan ay nagawang makapasok ng hindi nalaÂlaman ng dalawa.
Laking gulat ni PatamÂbang nang makita umano ang asawa at si Calumpang na nagtatalik kaya agad na kinuha ang kanyang cell phone na may caÂmera at kinunan ang mga ito.
Nang kumislap ang flash ng camera ay saka lamang namalayan ng magkalaguyo na nandoon na ang mister ng misis.
Ang nakuha namang larawan sa cell phone ng mister ang gagamitin nitong ebidensiya laban sa magkalaguyo.