Enrile magaling sa paglalaro ng Bejeweled

MANILA, Philippines - Nakakapaglaro pa ng computer game sa kanyang Ipad si Senate Minority Lea­der Juan Ponce Enrile sa kabila ng kanyang edad na 89 at  nakakahiligan niya ang laro ang “Bejeweled”.

Kahapon ay nakunan ng larawan si Enrile na nagla­laro ng Bejeweled habang dumadalo sa hea­ring ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa “sex-for-flight” scheme.

Bagaman at abala si En­rile sa paglalaro sa kan­yang Android phone pinatunayan naman nito  na­kikinig pa rin siya sa hearing dahil siya ang nakapagtanong ng tungkol sa isyu ng pagpapabaya ni Labor Attache Adam Musa sa kanyang tungkulin na mistulang kinunsinti ang kanyang driver na nagtangkang mang-rape ng isang domestic helper.

Sa isang panayam, sinabi ni Enrile na nagsimula siyang mahilig sa paglalaro ng Bejeweled noong panahon ng kampanya kung kailan naka-recess ang sesyon ng Senado.

Ayon kay Enrile nahahasa ang kanyang isipan sa paglalaro ng Bejeweled kung saan umabot na sa 271 ang kanyang level ay may score na siya kahapon na 7,426,250.

Na-e-exercise din aniya ang kanyang “gray matter” sa paglalaro ng Bejeweled at ayaw niyang maging “ma­liwanag na buwan”.

Ikinuwento rin ni Enrile na bago siya matulog ay naglalaro rin siya ng Bejeweled na natuklasan niyang laruin sa “sariling pagsisikap” at walang nagturo sa kanya.

 

Show comments