MANILA, Philippines -Umakyat na sa siyam katao ang nasawi kabilang ang isang 6-anyos na batang lalaki sa naganap na pambobomba sa Cotabato City noong Lunes ng hapon na ikinasugat ng nasa 30 katao.
Unang nasawi ang mga biktimang sina Samsuddin Harry at Usop Jaji; pawang security escorts ni Cotabato City Administrator Cynthia Guiani-Sayadi na hinihinala ng mga imÂbestigador na siyang target ng pambobomba; Sangcala Satol, Saidem Menak; Harris Unto; pawang napadaan lamang sa lugar; SPO3 Mama Manambuay sakay ng kulay puÂting Mitsubishi Strada na namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan at kahapon ay namatay din sina Nasruddin GuiaÂlel, Salipudin Sindatok at ang 6-anyos na batang lalaki na galing London at nagbabakasyon lang.
Si Manambuay at Chief Inspector Abubakar Mangelen, ng Maguindanao PNP Intelligence Unit ay magkasama ng mangyari ang pagsabog bago mag-alas-5:00 ng hapon.
Si Mangelen ay idineklara ng nasa ligtas na kalagayan.
Kabilang sa 30 nasugatan ay si City AdmiÂnistrator Guiani–Sayadi, nakababatang kapatid ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr., na masuwerteng nagtamo lamang ng sugat sa tuhod dahilan sa bullet proof van ang sinasakyan nitong Chevrolet may 10 metro ang layo sa blast site.
Nabatid na ang bomba ay itinanim sa isang multicab na pinasabog pagdaan ng behikulo ng opisyal.
Pulitika ang isa sa sinisilip na anggulo ng mga otoridad, subalit hindi rin isinasantabi ang anggulo ng terorismo.
“Nakakatanggap siya ng death threats (Guiani-Sayadi), maaring na-moÂnitor ng mga suspek ang kaniyang galawâ€, wika ni Cotabato City Police Director P/sr. Supt. Rolen Balquin kung saan tinukoy nito na dalawang security escorts at pinsan ng opisyal ang kabilang sa 8 nasawi.
Sa post blast investigators posibleng ammonium nitrate na may fuel content ang ginamit na Improvised Explosive Device (IED) na itinanim sa nakaparadang multicab sa pagpapasabog na nagresulta sa pagkasunog ng pitong bahay sa gilid ng daan malapit sa crime scene.