Mister tinadtad ng bala, pinugutan ng ulo

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na la­laki ang kinaladkad ng tatlong kalalakihan at pagkatapos na pagbabarilin ay pinugutan pa ito ng ulo na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Lo­wer Calarian, Zamboanga City.

Ang nasawing biktima ay natukoy sa ID na nakuha sa bulsa nito na kinilalang si Alraben Jallao, residente sa natu­rang barangay.

Ang biktima ay tadtad ng mga tama ng bala ng M16 rifle at cal. 45 pis­tol sa iba’t ibang baha­gi ng katawan at hindi pa nakun­tento ang mga sala­rin ay pinugutan pa ito ng ulo na kasalukuyang pi­naghahanap pa ang ulo na nabigong makita kahapon ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng Zamboanga City Police.

Sa pahayag naman ng mga residente dakong alas-8:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Marlboro Drive, Brgy. Lower Calarian ng lungsod noong Agosto 4 ng gabi sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan ay isang lalaki ang nakita nilang kinakaladkad na sumisi­gaw pa umano ng saklolo at kasunod ay mga putok ng baril.

Nagulantang na lamang ang mga residente ng kinabukasan ng umaga ay bumulaga sa kanila  ang pugot ang ulong bangkay ng la­laki na tadtad ng mga tama ng bala sa katawan.

Pinaniniwalaan namang matindi ang galit ng mga suspek sa biktima.

Show comments