MANILA, Philippines - Utas ang isang vendor makaraang barilin sa ulo ng kanyang kapwa vendor na kanyang nakaalitan sa Barangay Bambang, Pasig City kahapon ng maÂdaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Ronaldo Rodriguez, 33, residente ng Phase 3, Villa Cuana, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Mabilis namang nakaÂtakas ang hindi pa kilaÂlang vendor, dala ang isang .9mm na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.
Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Insp. Oscar Boyles, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa biktima sa VATODA terminal na matatagpuan sa Valderama St., Barangay Bambang.
Bago ang krimen ay nagbababa umano ang biktima ng kanyang mga panindang gulay mula sa pick-up na sasakyan nito nang bigla na lang lapitan ng suspek.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon umano nang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima hanggang sa maglabas ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang biktima, na agad nitong ikinasawi.
Tatlong basyo ng bala ang narekober ng pulisya mula sa pinangyarihan ng krimen, na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.