MANILA, Philippines - Ang umano’y mababang suweldo at sobrang trabaho lalo na’t may kaÂlamidad ang umano’y dahilan kung kaya’t isa-isa nang nagsisi-alisan para para magtrabaho sa isang bansa ang mga weathermen ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ito ang sinabi ni Ramon Agustin, pangulo ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) na kung saan ay nagpaalam na kamakalawa si forecaster Ricky Fabregas matapos ang 16-taong serbisyo sa ahensiya para bigyan daan ang highly paid job sa Congo na may sahod na P100,000 na malayong-malayo sa P20,000 buwanang sahod sa PAGASA.
Ayon pa kay Agustin na may isa pang weatherÂman ang nagpaplanong umalis para sa mas mataas na sahod sa abÂroad.
Ayon pa kay Agustin, bukod sa mababang sahod at palagiang stress sa trabaho ay may ilan silang mga kasamahan na nakamatayan na ang paghihintay sa kanilang benepisyo.
Tuwing may kalamidad ay napipilitan silang magtrabaho ng mas matagal o walang alisan sa opisina para lamang maÂserbisyuhan ang mamamayan na tinitiis ng mga weatherman sa pagbabasakali na mabigyan din ng kaukulang benepisyo ng gobyerno.
Nabatid na may mahigit 5 tauhan na ng PAGÂASA ang nagbitiw sa tungkulin sa ahensiya dulot ng mababang sahod at ngayo’y nasa labas ng bansa na tumatamasa ng halos limang beses ng sahod kung ikukumpara sa kanilang sinasahod dito.