MANILA, Philippines - Dahil umano sa kuwesÂtiyonableng pag-aapruba sa reclamation ng mahiÂgit sa 100 ektaryang luÂpain sa Manila Bay ay naÂkaÂtakdang kasuhan sa tanggapan ng Ombudsman at Writ of Kalikasan case sa Korte Suprema si dating PaÂrañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr.,at mga showbiz personalities na sina City Councilors Alma Moreno, Jason Webb, Val Sotto at Roselle Nava.
Partikular na kinukuwestiyon ng mga environmental groups tulad ng Ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ay ang Resolution No.13-026 na ipinasa ng konseho ng Parañaque na nagbibigay kapangyarihan kay BerÂnabe para pumasok sa isang Joint Venture Agreement sa AVESCO Marketing Corporation tungo sa reclamation ng 111.755 ektaryang lupain sa Manila Bay na nanganganib na masira ang kalikasan sa oras na maisulong ang proyekto.
Ang kasong kriminal naman sa Ombudsman, partikular ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay dahil sa umanoy pag-abuso ng mga nasabing opisyal sa kanilang tungkulin para ma-argabyado ang pamahalaan dahil sa naturang kasunduan na magdadala ng panganib sa mga residente ng lungsod ng Parañaque.
Ang Pamalakaya ang nangungunang environmental group na naghain nang pagtutol sa mga reclamation projects sa Manila Bay.