MANILA, Philippines - Tuluyan nang nagÂsampa ng kasong rape matapos ang isang buwang pananahimik ang isang 20-anyos na konsehala ng San Pascual, Batangas laban sa isang bagong halal na konsehal ng Lipa City sa Quezon City prosecutors office kaÂmakalawa ng hapon.
Sa 8-pahinang complaint affidavit (IS # XV-03-INV-13G-01925), na inihain ni Atty. Gally Angeles at Atty. Rolito Abing, mga abogado ng biktima, inakusahan ni Councilor Mara Fernandez si Councilor Nonato “Patmon†Monfero na umano’y nanghalay sa kanya noong Hunyo 28 sa bahay ng kapwa konsehal sa XavierVille, Quezon City.
Sina Fernandez at Monfero ay dumadalo noon ng seminar sa University of the Philippines-NCPAG (National College of Public Administration and Governance) nang magkayayaang makitulog sa naturang lugar.
Ayon sa salaysay ni Fernandez.â€June 28, 2013, Biyernes, habang tulog ako sa guestroom, nagiÂsing na lang ako na may lalaki sa loob ng comforter ko at nakataas na ang t-shirt ko. Naramdaman ko ang mabigat at hubad niyang katawan na nakapatong sa akin. Nakilala ko ang nasabing lalaki na si Konsehal Nonato Monferoâ€.
Isinalaysay din ni Fernandez na inalok umano siya ni Monfero ng bahay at kotse at sinabing iiwan ang kanyang asawa pumayag lamang ang daÂlaga sa balak nito.
Sinikap naman ng reporter na ito na kunan ng pahayag si Monfero, pero hindi nito sinasagot ang mga tawag sa telepono.Humingi pa ng tulong ang reporter na ito sa kilalang mga pulitiko at kaibigan ng suspek para makunan ng kanyang panig pero bigo din.
“Base sa kanyang status na konsehal ng bayan, mahirap isipin na nag-iimbento ito ng ganitong kwento,†dagdag pa ni Atty. Angeles.
“Kailangan makita ng mga taga-Batangas na ginagamit ng mga pulitiko ang kanilang impluwensiya, babala ito sa ibang may kapangyarihan na abuso,†ayon naman kay Lana Linaban, Gabriela secretary-general.
Nangako naman si Batangas Governor Vilma Santos na tutulungan ang pamilya ng biktima na ngayon ay nangangamba sa kanilang kaligtasan.