MANILA, Philippines -Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., ang pagpapalaÂkas ng security measures sa mga pangunahing insÂtalasyon ng gobyerno sa Metro Manila partikular na sa mga shopping malls at iba pang matataong lugar matapos mamonitor ang presensya ng ilan umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Magugunita na naaresto ng mga operatiba ng pulisya noong nakalipas na Hulyo 25 ang isang miyembro ng Abu SayÂyaf na si Taib Basal Sali alyas Gong-Gong Sali/Abu Husni, may patong sa ulong P5.3 M sa operasyon sa Payatas, Quezon City.
Bagaman wala namang direktang banta ng terorismo ang ilang Abu Sayyaf lalo na ngayong inoobserbahan ng mga Muslim ang Ramadan na namonitor ng intelligence operatives na nasa Metro Manila ay mas mabuti na ang nakahanda ang kapulisan sa Metro Manila.
Ang pagtatago ng ilan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Metro Manila ay dahilan sa pinalakas na opensiba ng tropa ng militar at ng pulisya sa Mindanao laban sa mga bandido.
Ayon pa sa NCRPO Chief higit pang pinaigÂting ang intelligence monitoring at surveillance operations laban sa naturang mga lokal na teroristang grupo upang mapigilan ang paghahasik ng mga ito ng terorismo.