MANILA, Philippines -Nasa 104 pulis ang sinibak sa serbisyo sa ilalim ng liderato ni PNP Chief Director General Alan Purisima habang 428 pa ang pinatawan ng kaparusahan bilang bahagi ng determinadong paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Sr. Supt Reuben Theodore Sindac, nasa 428 pang mga pulis ang pinatawan ng kaparusahan kaugnay ng kasong administratibo at pagkakasangkot sa samutsaring irregularidad.
Pinuna naman ni Purisima na mas konti ang bilang ng mga pulis na nasangkot sa kasong administratibo at kriminal sa taong 2013.
Sa kasalukuyan, nasa 797 pa ang mga nakaÂbimbing kaso ng mga pulis na nasangkot sa kasong administratibo at kriminal na naghihintay pa ng hatol sa isinasagawang summary hearing laban sa mga ito kumpara sa naitalang 1, 263 noong 2012.