MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na biÂnatilyo ang binaril at naÂpatay ng isa sa kanyang kainuman kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Mark Derly Lorbes, out-of-school youth, ng Block 5, Lot 2, Sitio DaÂmayan, Smokey Mountain, Tondo, Maynila.
Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang sina alyas EdÂmond, 18, ng Block 1 ng nasabi ding lugar at alyas Jason at alyas Buboy.
Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi ay kasamang nag-iinuman ng biktima ang tatlong suspek sa bahay ni Edmond.
Inutusan ng biktima ang nakababatang kapatid na si “Kenneth†na bumili ng ice tube sa tindahan at ilang sandali pa lamang ito nakakalayo ay nakaÂrinig na ito ng putok ng baril.
Kaya agad siyang buÂmalik sa bahay ng susÂpek at nakita niyang duguan ang kuya na nakaÂhandusay sa sahig at hindi na niya naabutan ang tatlong kainuman.