MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang mag-lover nang ireklamo ng isang pagamutan dahil sa sadÂyang pagpapalaglag ng babae sa kanyang dinadalang sanggol kamakalawa sa Pasay City.
Ang maglive-in na inaÂresto ay kinilalang sina Charlyn Barsaga, 22, medical transcriptionist, at kinakasama nitong si Bennie Del Castillo, 24, kapwa ng no. 1507 Interior EDSA, ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, tumawag ang kinatawan ng Ospital ng Maynila sa pulisya at iniulat ang pagkakadiskubre ng pag-inom ng gamot na abortion pill ni Barsaga sanhi upang malaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Agad na nagtungo sa naturang pagamutan ang mga pulis na naging dahilan upang dakpin ang dalawa.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na bumili ang dalawa ng Cytotec na iligal pa ring naibebenta ng mga sidewalk vendor sa Quiapo, Maynila.
Nabatid na 16 na piÂraso ng naturang iligal na droga ang ininom ng babae noong Sabado ng gabi sa tulong na rin umano ni Del Castillo.
Kinabukasan ng Sabado ng Linggo, dinugo ng husto si Barsaga at lumawit sa puwerta nito ang may 4 na buwang fetus.
Mismong si Del Castillo pa ang gumupit sa pusod ng fetus saka isinugod ang kinakasama sa Ospital ng Maynila.
Sa loob ng pagamutan, inamin ng babae sa kanyang doctor ang pag-inom ng naturang tabletas sanhi upang isumbong ito sa pulisya.