Kalahating milyon tinangay ng messenger

MANILA, Philippines - Hindi na bumalik sa kanyang opisina ang isang messenger matapos na utusan na i-withdraw ang P542,000 sa isang bangko sa Pasig City, kamakalawa.

Ang suspek na pinag­hahanap ngayon ng mga otoridad ay kinilalang si Rodel Garate, nasa hustong gulang, at residente ng 9 Sta. Maria St., Barangay Kapitolyo,
Pasig City.

Ang suspek ay ini­rek­lamo nang pagnana­kaw ng ARRHA Exporta­tion Inc. na matatag­puan sa 15th Floor, One San Miguel Buil­ding, Ortigas Center, Pasig City, na kinakata­wan ni Juvy Ilag, 33, ac­­countant officer ng na­turang kumpanya.

Batay sa salaysay ni Ilag, dakong alas-11:30 ng umaga noong Hulyo 25 nang utusan niya ang suspek na mag-withdraw ng P542,000 na pera ng kanilang kumpanya mula sa BPI Ortigas Branch, na hindi ka­layuan sa kanilang opisina.

Matapos na makapag-withdraw ay hindi na umano nagpakita pa ang suspek at hindi na rin umano ito umuwi sa bahay na kanyang tinutuluyan kaya’t malaki ang hina­la na tinangay ang sa­la­pi.

Maging ang cell phone ng suspek ay hindi na rin umano ma­­kontak kaya’t nag­­­pasya ang mga may-ari ng ARRHA na sampahan na si Garate ng kaso.

 

Show comments