MANILA, Philippines -Halos nasa state of shock at hindi makapagsalita ang isang 6-anyos na batang babae na isinailalim sa medical checkup matapos na siya ay halayin ng kapitbahay sa banyo na naganap sa Brgy. LuyaÂhan, Zamboanga City
Arestado naman ang suspek na kinilalang si Willie Zapata, nasa hustong gulang matapos poÂsitibong ituro ng bata.
Sa salaysay ng biktima matapos ang ilang araw na pagkatulala, sinabi nito sa kaniyang mga magulang na inabuso siya ng suspek sa loob ng banyo matapos umano siyang pasukin habang naliligo kamakailan .
Ang suspek ay kinasuhan ng rape.