MANILA, Philippines -Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na rubout at hindi shootout ang naganap sa pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis gang sa San Pedro, Laguna noong gabi ng Hulyo 15.
Sinabi ni Purisima na lumutang ang anggulo ng rubout hinggil sa kinukuwestiyong pagkamatay nina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot.
Batay sa isinumiteng report ng pinuno ng Task Force na si Deputy DirecÂtor General Catalino Cuy, walang indikasyong nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan nina Cadavero at Panogalinga sa kanilang mga police security escorts.
Ayon kay Purisima na lumilitaw na rubout ang nangyari subalit patuloy pa rin ang pangaÂngalap ng ebidensya para tumaÂyo sa korte ang kasong kriminal laban sa 14 naÂsibak na opisyal sa paÂngunguna ni Sr. Supt. Danilo Mendoza, pinuno ng Regional Special OpeÂrations Group (RSOG).
Hindi naman kasama sa sasampahan ng kasong kriminal pero mahaharap sa kasong administratibo si dating CALABARZON Regional Director P/Chief Supt. Benito Estipona, kasama sa mga nasibak na opisyal bunga ng insiÂdente.
Sa naunang report ng grupo ni Mendoza, sinabi nito na tinangkang iligtas ng kanilang mga kasamahan sa sindikato sina Cadavero at Panogalinga matapos ambusin ang kanilang convoy na napatay nang tangkang mang-Âagaw ng baril habang kaÂnilang ineskortan ang dalawang lider.
Ang insidente ay naganap ilang oras matapos na maiprisinta ng mga opisyal ng PNP sa panguÂnguna nina Estipona, Purisima at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang dalawang suspek sa press conference sa Camp Crame.
Magugunita na sina Cadavero at PanogaliÂnga, ang nasa likod sa serye ng robbery /holdup sa mga money changer, convenience store at iba pa sa Metro Manila ay nasakote noong Hulyo 13 sa Dasmariñas City, Cavite matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas.