MANILA, Philippines - May kabuuuang 8,000 pulisya ang nakakalat ngayon sa palibot ng Batasang Pambansa upang mangalaga ng kaayusan at katahimikan sa gaganaÂping State of the Nation Address (SONA) ng paÂngulong Benigno Aquino III ngayong araw na nito.
Ayon kay P/Chief Supt. Richard Albano, Director ng Quezon City Police District (QCPD) katuwang nila ang NatioÂnal Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagmamantine ng seguridad sa lahat ng dadalo sa SONA ng Pangulo.
Aniya, nagtayo na sila ng mga command posts sa 13 lugar na pagdadausan ng rally, upang magbantay sa maaring maganap kung sakaling may magaganap na karahasan.
Para naman sa mga mamamahayag, maglaÂlatag ang QCPD ng media information desk na magiging pansamantalang istambay point ng mga ito.
Sinabi pa ni Albano, hindi lamang nakatuon ang pansin ng kanilang pagbabantay sa mga magÂra-rally sa SONA kung hindi maging sa iba pang petty crimes na maaring manamantala sa naturang okasyon.
Sa pagtaya ni Albano ay aabot sa 15,000 hanggang 18,000 militante ang magsasagawa ng kilos protesta, pero paiiralin pa rin umano nila dito ang maximum tolerance.