Tatay pinatay sa harap ng anak

MANILA, Philippines - Sa harap ng anak na babae binaril at napatay ang kanyang tatay ng kanyang tiyuhin dahilan sa alitan sa lupa sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jersoon Amonsto, 49, residente ng Brgy. Guitran, Dumingag. Pinaghahanap naman ang suspek na tiyuhin ng biktima na si Junie Babi   at isa pang lalaki na kasama nito.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang nakaupo sa te­rasa ng kanilang bahay ang biktima at anak nitong si Jasty nang duma­ting ang tiyuhin na may kasamang isang lalaki.

Agad na binunot ng suspek ang nakatago nitong baril  na isang cal. 45 pistol at ipinutok sa ulo ng biktima  na labis na ikinasindak ng dalagitang anak at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Show comments